Thursday, July 9, 2009

Batas Moral-Batas ng Kabutihan

Ano nga ba ang batas moral?Ito ang batas na nagtatakda ng kilos at ng galaw ng tao kung tama o mali.Ito rin ay gumagabay sa atin sa araw-araw nating pamumuhay.Sinasabi rin namang isa itong tungkulin na nalilinang ng tao dahil sa hinihingi ito ng kanyang kapaligiran at nakaukit sa kanyang pagkatao tulad ng Sampung Utos ng Diyos na hindi naman isinasabuhay ng marami sa atin.
Bakit nga ba tayo nilikha ng Diyos?Nilikha Niya tayo para makapaglingkod,magmahal,at higit sa lahat ay upang makilala Siya subalit hindi lamang ang Diyos ang dapat na mahalin pati na rin ang ating kapwa.Narito tayo sa mundong ibabaw para maglingkod hindi upang paglingkuran.
Kapag napagtanto ng tao ang mga batas na ito,lalong titibay ang ating pananampalataya sa Panginoon.Mas mabuti kung pahahalagahan natin ang mga batas na ito.Gamitin natin ang ating mga talento o talino sa pagtuklas ng mga bagy ukol sa Kanya.Ang mga batas na ito ang magbibigay sa atin ng pag-asa,at magtuturo sa tamang landas at kabutihan.Mapapaunlad din natin ang ating pagkatao sa pagsunod.Kailangan lamang natin ay magnilay,manampalataya,isapuso at isabuhay..

Wednesday, July 8, 2009

Yaman ng Bansa,Ako Ang Katiwala

Bakit nga ba ginawa ang mundo?Ang mga tao?Bakit tayo may mga likas na yaman?Hindi ba't nasusulat sa ating banal na aklat na ang ating kapaligiran ang unang nilikha ng Diyos?Kaya't nilikha Niya ang tao upang siyang mangalaga sa kanyang mga nilikha.Ipinagkatiwala Niya sa atin ang Kanyang mga nilikha kaya marapat lamang na hindi natin sirain ang tiwalang ibinigay Niya.
Subalit sa panahon ngayon ay tila nang pakialam ang mga ato kung masira man ang ating kapaligiran ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang pera at mga modernong
teknolohiya.Puputulin ang mga puno mkagawa lamang ng papel subalit sa bawat pagputol na iyon ay hindi na napapalitan kaya't paubos na nang paubos ang mga likas na yaman ng bansa.
Hindi mauubos ang mga ito kung ito'y gagamitin natin ng wasto at marunong tayong mag-recycle.
Sa palgay ko'y ang mga likas na yaman ay makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa.Ang tao ay maraming pangangailangan at kagustuhan ngunit paano matutugunan ang mga ito kung wala nang matitirang likas na yaman sa ating bansa.Bilang mga mag-aaral ay may magagawa rin tayo upang mapayaman ang ating mga likas na yaman.Huwag nating sabihin na wala pa tayong magagawa,dahil tayo'y mga hamak na mag-aaral lamang at wala pa tayong alam.Magsimula na tayong muli "NGAYON NA" at pagyabungin ang biyaya satin ng Maykapal.

Tuesday, July 7, 2009

Tayo Mismo Ang Umuukit ng Ating Kapalaran

Sadya nga bang maraming taon ang umaasa na lamang kung ano ang sasabihin ng iba?Marami sa mga Pilipino ang naghihintay ng pagpuna ng iba bago kumilos di makayang magdesisyon para sa sarili.Nakakamangha ang tao sa lahat ng mga nilikha ng Maykapal.Binigyan ang tao ng kalayaan upang magdesisyon para sa kanyang sarili at hindi upang umasa sa iba.Ngunit masama nga ba'ng humingi ng opinyon sa iba upang matungo ang tamang landas?


Hindi masamang humingi ng opinyon sa iba,ngunit masama ang dumepende na lmng sa mga ito.Tinuruan ang bawat isa ng kani-kanilang mga magulang at guro upang malaman kung ano ang tama at mali sa pang-araw-araw na pamumuhay.Alam ng mga magulang kung ano ang makabubuti para sa kanilang mga anak.Samantala,ang mga guro naman ang nagpupuno ng mga kakulangan sa ating espiritwal,mental,at intelektwal na pangangailangan.


Napag-alaman kong tao nga lang ang gumagawa ng kanyang kapalaran.Nagagawa ng tao ang mga gusto niyang sabihin,iparamdam,at ipakita sa ibang tao.Walang gusto ang tao na hindi niya nagagawa at wala rin namang makapipigil sa ibang tao kundi ang kanyang sarili lamang.

Ang Aking Pilosopiya Sa Buhay


"Ang paraan kung paano mo tinitingnan ang iyong buhay ay sa ganitong paraan din ito mahuhubog,"ito'y ayon sa may akda ng librong "Purpose Driven Life."Sa palagay ko'y tama siya sapagkat kung halimbawang tinitingnan mo ang buhay tulad ng isang paligsahan,ito ang huhubog sa iyo na magtagumpay at ito ang magiging direksyon mo para matapos ang "finish line."
Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit tayo binigyan ng buhay ng Maykapal:una,ang makisama,pangalawa,maglingkod,at pangatlo,ang magmahal at mahalin ang Diyos at ang kanyang sambayanan.

Marami rin namang kahulugan ang buhay ntin sa mundo.Una,ang buhay sa mundo ay isang pagsusulit na dapat maipasa.Alam naman natin na lahat ng tao'y may mga problema sa iba't ibang paraan ano man ang antas ng kanyang pamumuhay.Ikalawa,ang buhay sa mundo ay isang pagtitiwala.Hindi man natin alam kung paano tayo lalaban sa hamon ng buhay,narito pa rin tayo't nanalig sa Panginoon.Ikatlo,ang buhay natin sa mundong ito ay pansamantala lamang at ito'y hiram lamang natin sa Dakilang Lumikha.Kaya dapat ay mag-impok din tayo sa lupa dahil doon makakamit natin ang buhay na walang hanggan at doon ay walang problema,lungkot,paghihirap,at kamatayan dahil kasama na natin ang Panginoon.
Ang buhay ay puno ng misteryo at katanungan na kung saan ang Diyos lang ang nakababatid ng lahat.Hindi natin alam kung kailan at saan ang takdang oras natin para lisanin ang mundo kaya't gawin natin ang mabuti at ang tama dahil laging nasa huli ang pagsisisi.

Manindigan Para Sa Moralidad


Bakit nga kaya sa bawat gawain natin sa buhay ay may kalakip na paninindigan at responsibilidad?Ano nga kaya ang maitutulong ng mga ito ukol sa pagpapataas ng dangal ng isang tao?Ang paninindigan an ang pagtitiwala sa'yong sarili ay sa naging desisyon mo.Kapag tayo'y nanindigan kaagapay nito'y ang pananagutan at pangako sayo'ng sarili na makakaya mo at magagawa mo.Makakatulong ito upang malaman kung ano ang pagkakaiba ng tama sa maling gawain.Kinakailangan din natin ang paninindigan lalo na't kung may responsibilidad na tayo.

Maraming mga pagsubok sa ating buhay na humahamon sa ating dangal at moralidad bilang tao.Halimbawa na lamang nito ay kapag nagkulang kayo sa pampinansyal,kailangan mo nang tumigil sa pag-aaral.Nggunit may inialok na trabaho sa'yo ang 'yong kaibigan bilang isang prostitute.Maari mo itong tanggapin ngunit ang 'yong pagkababae naman ay marurungisan at bababa ang 'yong dangal.Maari ka namang humanap ng ibang trabaho o di kaya'y mapagkakakitaan kahit maliit lamang ang 'yong sweldo basta't ito'y legal at marangal.

Iwasan natin ang udyok ng maimpluwensyang barakda.Ang kasabihan ay "o,tukso layuan mo ako."Para sa akin,hindi ako sang-ayon dito dahil dapat tayo ang lumalayo rito,dahil tayo ang may katawan at isipan bilang tao.Dapat ay maging tapat tayo sa lahat ng bagay at pati na rin sa ating sarili.Sikapin nating pairalin ang katapatan at ingatan ang karangalan sa anumang aspeto..Ang pagpapanatili at pagpapabuti ng dignidad ng tao ay ang syang nagpapatatag ng moralidad ng isang tao.